PBB ALL IN Big Winner: Battle of Tres Marias

It’s a THREEWAY Battle for Tres Marias of PBB ALL IN for Big Winner Tittle!

Kahit na si Jane Oineza ang napipisil kong Big Winner (pina feng sui ko pa nga di ba!), gitgitan ang magiging labanan sa titulong PBB ALL IN BIG WINNER!

image

All out support ang mga fans ni Rising Celebriteen ng Pasig na si Jane Oineza. Gaya nga ng sabi ko before yung consistency ng highest percentage of votes ang magiging key sa pagiging Big winner ni Jane. Hindi rin bumababa sa 40%-55% ang total percentage of votes ni Celebriteen. Saka ilang beses na din nakaharap ni Jane ang powerhouse HMs na sina Loisa at Maris na talagang bugbugan ang mga supporters sa pagboto. Kaya alam na kung sino ang sino! Pero gaya ng sinasabi ko sa twitter “Huwag magpaka kampante!”. Tandaan na bilog ang bola mga Team Jane!

image

Kung pagpapakatotoo ang pag uusapan, si Loisa Andalio ang talagang nagpapakita ng totoong sarili sa loob ng PBB house. She’s not afraid to show here feelings. Sabi nga ni Vice Ganda BOOM NATURAL. Nalink si Talented Darling ng Parañaque kay Joshua na umamin kamakailan ng feelings kay Jane! Madami ang fans ni Loisa at proven ang Trending sa Twitter na malakas ang hatak ng charming lady na to. Kapag wala sina Jane at Maris sa listahan ng mga nominado, siya ang may pinaka malaking percentage of votes. If kalaban niya si Jane sa botohan, she landed as 2nd place finisher. 2nd Big winner ba ang peg? Team Loisa papayag ba kayo? Aba matinde!

image

Singing Sunshine ng Davao. Wala ako masabi sa batang ito. Multi talented si Maris at shunga na lang ang hindi nakakaalam nun. For sure napapanganga ka din kapag nakikita mo kumanta with her guitar si Maris. This simple yet talented lady has a huge impact sa mga viewers. Andami ng fans nitong batang ire! Mataas din ang nakukuha na percentage of votes. Trending topic sa twitter both Philippines and Worldwide kaya alam mong kaya makipag gitgitan sa botohan.

Kaya ang tatlong TEEN HOUSEMATES na to ang siguradong maglalabanan for PBB ALL IN BIG WINNER TITTLE! Well well well ( Melificent lang ang peg), TEENS ang maghaharap harap sa Big Night for sure. Kaso mesyo blurred pa ang vision ko kung sino ang bubuo ng Big4. Pwede si Manolo o si Joshua ang bumoo ng Big 4 ni Kuya! Hay nakaka excite naman. Sana nga sa The Arena sa MOA ang venue pra maaccomodate lahat. Sure ako ng umaapaw sa audience ang venue kapag dun ginanap!

Advertisements

2 thoughts on “PBB ALL IN Big Winner: Battle of Tres Marias

  1. Darryl says:

    Hi, Maris fan here! Medyo nakukulangan lang ako sa infos mo dito for Maris. 🙂 Tanging si Maris lang nakatalo kay Jane sa botohan, though, yes, that was during 3rd eviction pa and once lang, still, kahit papano mafi-feel mo dun na nangangain din talaga fans niya sa votation. And no offense, but as far as my knowledge is concerned, never pa ata nag 50 percent mahigit si Jane on the night of eviction? Nagfi-fifty mahigit sya during the the week of votation but not on the night of eviciton mismo. Nevertheless, super agree ako na silang tatlo maglalaban laban sa Big Night for the Big Winner title this season. 🙂

    Like

    • I see. But still landslide ang decision ng taong bayan everytime na nonominate si Jane. Estimate lang naman ang 50%. Anyways salamat sa infos. Salamat din sa pag agree na silang tatlo maglalaban laban for Big Winner Tittle.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s