PBB ALL IN Big Winner: Battle of Tres Marias

It’s a THREEWAY Battle for Tres Marias of PBB ALL IN for Big Winner Tittle!

Kahit na si Jane Oineza ang napipisil kong Big Winner (pina feng sui ko pa nga di ba!), gitgitan ang magiging labanan sa titulong PBB ALL IN BIG WINNER!

image

All out support ang mga fans ni Rising Celebriteen ng Pasig na si Jane Oineza. Gaya nga ng sabi ko before yung consistency ng highest percentage of votes ang magiging key sa pagiging Big winner ni Jane. Hindi rin bumababa sa 40%-55% ang total percentage of votes ni Celebriteen. Saka ilang beses na din nakaharap ni Jane ang powerhouse HMs na sina Loisa at Maris na talagang bugbugan ang mga supporters sa pagboto. Kaya alam na kung sino ang sino! Pero gaya ng sinasabi ko sa twitter “Huwag magpaka kampante!”. Tandaan na bilog ang bola mga Team Jane!

image

Kung pagpapakatotoo ang pag uusapan, si Loisa Andalio ang talagang nagpapakita ng totoong sarili sa loob ng PBB house. She’s not afraid to show here feelings. Sabi nga ni Vice Ganda BOOM NATURAL. Nalink si Talented Darling ng ParaƱaque kay Joshua na umamin kamakailan ng feelings kay Jane! Madami ang fans ni Loisa at proven ang Trending sa Twitter na malakas ang hatak ng charming lady na to. Kapag wala sina Jane at Maris sa listahan ng mga nominado, siya ang may pinaka malaking percentage of votes. If kalaban niya si Jane sa botohan, she landed as 2nd place finisher. 2nd Big winner ba ang peg? Team Loisa papayag ba kayo? Aba matinde!

image

Singing Sunshine ng Davao. Wala ako masabi sa batang ito. Multi talented si Maris at shunga na lang ang hindi nakakaalam nun. For sure napapanganga ka din kapag nakikita mo kumanta with her guitar si Maris. This simple yet talented lady has a huge impact sa mga viewers. Andami ng fans nitong batang ire! Mataas din ang nakukuha na percentage of votes. Trending topic sa twitter both Philippines and Worldwide kaya alam mong kaya makipag gitgitan sa botohan.

Kaya ang tatlong TEEN HOUSEMATES na to ang siguradong maglalabanan for PBB ALL IN BIG WINNER TITTLE! Well well well ( Melificent lang ang peg), TEENS ang maghaharap harap sa Big Night for sure. Kaso mesyo blurred pa ang vision ko kung sino ang bubuo ng Big4. Pwede si Manolo o si Joshua ang bumoo ng Big 4 ni Kuya! Hay nakaka excite naman. Sana nga sa The Arena sa MOA ang venue pra maaccomodate lahat. Sure ako ng umaapaw sa audience ang venue kapag dun ginanap!

Advertisements