PBB ALL IN Big Winner: Final Spot for Big 4

THE END IS NEAR!

image

Nalalapit na naman ang pagtatapos ng PBB at maghihintay na naman tayo ng mahigit isang taon para sa next edition! Pero syempre bago magtapos ang edition na to kailangan muna mamili ng BIG 4!

image

Gaya ng sabi ko noong mga nakaraan yung Tres Marias na sina Jane, Loisa at Maris ay sureball na pasok sa Big 4! Wag na kayo magreklamo o magreact na gulat na gulat kasi alam natin na totoo yun!!! Pero sino nga ba sa mga natitirang HMs ang makakakuha ng final slot ng Big 4?

Hunk of the World ng Makati – Daniel Matsunaga.

image

Itong si Hot Papa o tawag nga ng mga netizens ay “Tatay” ang sa tingin ko na nagpakita talaga kung paano makisama. Kasi nga naman kahit sinong ordinaryong Pinoy ay mastarstruck agad sa kanya sa gwapo ba namang yan dibench? Pero si Daniel na mismo ang gumawa ng way para ma reach out ang mga HMs. Ang sarap kaya titigan ni Daniel na naglilinis at nagluluto sa Bahay ni Kuya. Husband Material kumbaga. Yun nga lang pagdating sa mga task eh nawawalan ng trust si Tatay sa mga HMs. Para sa kanya kasi those HMs ay hindi binibigay ang 100 percent effort kaya pagdating ng weekend eh nganga na naman. abg inasal at itlog na naman kakainin nila. Well hindi ko naman siya masisisi kasi sino ba naman ang gusto magutom! Marami kayang nainlove kay Hot Papa at nakita ang effort niya para magustohan ng Madlang Pipol at ipasama siya sa Big 4?

Wonder Son ng Quezon City – Manolo Pedrosa

image

Itong si Manolo yung Most Improved HM ni Kuya. Infairness ang hirap kaya mag adjust basta basta sa loob ng bahay ni Kuya. Isang RICH KID itong si Baby Boy. Natutong maglinis ng bahay, self control at umakto ng tama na naaayon sa kanyang edad! May aura tong si Baby Boy na alam mong matalino eh. Ramdam mo diĀ  na alam niya yung mga sinasabi niya at kumpaano mag adjut ng talking pace depende sa kausap. Kaso may ugali itong batang ire na mapagtanim ng saloobin. Hindi niya mapakita kung inis na ba siya o galit sa usang HM. Playing safe ba? Pero sa tingin ko lang naman eh nakikisama labg siya sa iba. Kumbaga nga eh ipakita mo kung ano gusto nilang makita. Yan ang nakikita ko kay Baby Boy pero crush ko pa din siya. Hihihi kiligs much! Dahil kaya sa mga katangian niyang yun eh iluklok kaya siya ng Madlang Pipol sa final slot ng Big 4?

Tatay’s Boy ng Batangas – Joshua Garcia

image

Si Joshua na ata talaga ang nagpakita kung ano talaga ang Tunay na Teenager sa panahong ito. Hindi siya takot na ipakita ang nararamdaman niya especialy sa love department. Makikita mo din sa kanya yung drive niya manalo. Ramdam ki din kay Lover Boy na gagawa siya ng paraan para lang mapakita niya kung ano ang gusto niya, hindi dahil yun ang gusto ng iba kundi yun talaga ang nais niya. Kaya nga lang tamad si Lover Boy. Susungalngalin ko ang bunganga ang hindi mag agree! Madami din issue si Joshua sa ibang HMs kung iisa isahin ko pa baka pudpod na daliri ko kakatype! Hindi rin minsan pinag iisipan kung nakakasama na sa nga kasama niya yung ginagawa niya. Kaya pati mga taong nasa paligid niya ay nadadamay. Pangit pakinggan pero may kalandian sa katawan ang batang ito. Ang tanong na lang ay kung tutulungan pa ba sya ng mga fans ng LoiShua at JoshAne sa labas para masecure ang slot niya sa Big 4?

Lady Mahinhin ng Bacolod – Vickie Rushton

image

Maganda, mahinhin, typical Filipina character si Vickie. Sa totoo lang hindi ko siya maramdaman sa Bahay ni Kuya except nung pumasok sa bahay si Jason Abalos na BF niya. Ang maganda kay Binibining Tisay is may hingahan ang mga HMs na natitira sa loob ng bahay. It’s hard to get infos from her kasi sa tingin ko ay hindi niya pa napapakita lahat kung ano talaga siya. May konting pagka naughty din si Binibining Tisay kasi alam naman natin na attracted siya kay Hot Papa. Another thing nagustohan ko sa kanya yung pagpupursige miya sa lahat ng tasks ni kuya even beyond her limits. Hindi niya alam yung salitang “SUKO”. Ayaw ko labg yung mga times na kasama niya si Michelle, Aina at Alex kasi mabilis siya maimpluwensyahan. Yun siguro yung pangit kay Vickie sumusunod siya sa mga taong malakas ang personality. Ang tanong ngayon. May oras pa ba siya para ipakita ang totoo na siya since bilang na lang ang mga araw sa loob ng bahay ni Kuya? Will she able to make it sa Big Night?

Kaya Madlang Pipol mag isip kayo mabuti kung sino gusto niyo mapasama kina Loisa, Maris at Jane sa Big Night kasi silang tatlo ang siguradong pasok na! Tama ba mga Team Jane, Team Loisa at Team Maris?

Advertisements